Ricci hiyang-hiya: Andrea, feeling baby sa Siargao?

 Trending na naman sina Andrea Brillantes, Ricci Rivero, dahil sa eksena nila sa Siargao. Lalo na si Andrea, na nakakatawa talaga.



Kalat na kalat nga ang video na nasa isang bakery/bake shop ang dalawa, kasama ang iba pang mga kaibigan.


Maririnig nga ang boses ni Andrea na umoorder/bumibili. Habang patawa-tawa lang sa tabi si Ricci.


Pero, ang nagpa-trending nga sa kanila ay ang pagkairita ng mga netizen, dahil sa pagbi-baby talk ni Andrea. Kaloka, daig pa ni Andrea ang 4 year old na bata, kung maka-baby talk.


Para kang nakikinig, nanonood ng cartoons na super baby ang bida, ha!


Heto nga ang linyahan ni Andrea:


“Taphoss pho cream ohhh dhalawa. Tapos poh, ito dayawa (dalawa). ‘Yung ito po, cookies and cream. ‘Yung blue din po. Ito po, oh, wala na ba po niyan?


“At saka ito pong tubig (o tupig?)!”


May isang lalake sa tabi ni Ricci ang medyo nagulat din, at nagtanong nga kay Ricci, “Is she your girlfriend?” Na sinagot naman ni Ricci ng pagtawa, sabay pabirong sampal sa lalake, at nagyakapan nga silang dalawa.


Obyus na magkaibigan sina Ricci at ang lalake, at biniro lang ng naturang lalake si Ricci, dahil siguro nga ay nagulat din siya sa pagbi-baby talk ni Andrea.


Well, kaloka nga talaga kapag napanood mo. Ang layo sa itsura ni Andrea ang pagbi-baby talk niya.


Unang-una, aminin natin na super gifted siya, ‘di ba? Malaki ang kanyang boobey, kaya alangan talaga kapag boses baby ang maririnig mo mula sa kanya.


Then, alam natin kung paano mag-ayos si Andrea, na may pagka-OA nga ang kilay, eyelashes, at siyempre lipstick.


Nakalimutan yata ni Andrea na 19-years old na siya, na hindi na siya child star. Parang nag-time-warp yata si Andrea, na ang feeling niya ay nasa harap siya ng camera, at siya si Annaliza (teleserye na pinagbidahan niya noong 2013).


Kaya ang mga netizen, ganito mag-react:


“Hahahaha, ramdam kita Ricci. Oo ako din nahihiya din ako para sa gf mo.”


“Bakit naiirita ako habang nanonood?”


“Ano pong sakit ni Andrea?”


“Bakit parang ako ang nahihiya sa nagtitinda? Hahahaha!


“Grabe, 3 milyon ang tawa ko sa video na yarn. Bumaliko ang dila ko kakatawa kay Andrea.”


“Sa totoo lang, nakakairita siyang panoorin. Bakit ba Andrea?”


“Naaawa ako kay Ricci, hiyang-hiya ang itsura niya, oh! Kairita kasi.”


Well, para naman sa mga fan ni Andrea, tigilan daw ng mga basher ang idolo nila.


“And so what if she’s baby talking?”


“Leave her alone.”


Well… (Dondon Sermino)

Comments

Popular posts from this blog